Entry: SObrang ORAYT!!! SE RULZ!!! Tuesday, September 06, 2005



   Haayyy.... After how many days... ngayon lang ule ako nakapag - blog... Sobrang naging busy ang bawat araw... Ngayon, tapos na lahat...

   Sobrang kakaibang experience ang nangyari sa mga Software Engineering peeps ngayon term na ito... Sobrang daming mga projects... Medyo nahirapan nga akong mag - time management... Pero ok lang... I handled it naman kahit papaano...

   Pero grabe sobrang the best bawat araw na dumaan... Masasabi kong mas naging close ang buong Software Engineering class... Sobrang bonding... Makikita mong nagdadamayan lahat...

   Dahil ito sa lahat ng mga pagsubok at gawain na sabay - sabay naming ginawa at nilampasan... Nandyan yung project sa ASP na nagkaroon kami ng chance mag - brain - Storming at nakabuo ng bonding... Yung activity sa Psychology na magtuturo ng isang animal ng mga tricks...

   Pero yung the best eh yung project sa VB.NET... Kasi dun, kinailangan naming mag - overnight ng dalawang beses para matapos... Nung gabi na, makikita mo yung bonding ng lahat... Sabay - sabay gumawa ng kanya - kanyang tasks, sabay- sabay kumain ng dinner at merienda... Nandyan yung mga tawana... Si kapow, sobrang patawa... kaya buhay ang grupo... Nandyan din yung Starcraft, hehehe... ASTIG talaga... Lahat halos naglaro... Basta sobrang ok... Sarap ng pakiramdam...

   Nung idedefense nga namin yung project, sobrang lahat maganda ang suot... Formal kasi... Parang lahat nakangiti... DAma mo yung kasiyahan sa loob...

   Sa mga SE Peeps ko, sobrang congratulations sa ating lahat... We deserve to pass this term... Sobrang thank you sa lahat... Pinakita nyo na sa ligaya't paghihirap magkakasama tayo...

   Sa bawat taong tumulong sa atin, pinasasalamatan ko rin... Si Sir F, sa pagtulong sa coding at pag - intindi sa atin... Si Ma'am tanya sa Pagturo ng Java sa atin... Si Sir benz... Si IDOL MIKE, RALPH, KADZ, sa pagtulong sa Coding... Sobrang ORAYT!!!! SE RILZ!!!

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments